EDSA Tres

EDSA III
PetsaAbril 30 – Mayo 1, 2001
Lookasyon
Resulta Marahas na pagpapaalis sa mga demonstrador, pagdeklara ng State of Rebellion sa buong Kalakhang Maynila.[1]
Mga nakipagdigma
Pilipinas Administrasyong Arroyo
Pilipinas Lakas–CMD
Pilipinas Sandatahang Lakas
Pilipinas Presidential Security Group
Pilipinas Pambansang Pulisya ng Pilipinas
Pilipinas Partido ng Masang Pilipino
Pilipinas Mga Loyalista ni Estrada
Iglesia ni Cristo
Mga kumander at pinuno
Pilipinas Gloria Macapagal-Arroyo
Pilipinas Angelo Reyes
Pilipinas Pambansang Pulisya ng Pilipinas
Pilipinas Joseph Estrada
Pilipinas Vicente Sotto III
Pilipinas Juan Ponce Enrile
Eraño G. Manalo

Ang EDSA III (pagkakabigkas: EDSA Tres) ay isang protesta na nagbunga mula sa pagkakadakip kay dating Pangulong Joseph Estrada noong Abril 2001. Naganap ang nasabing protesta ng pitong araw sa Abenida Epifanio de los Santos o EDSA, na isang mahalagang lansangan sa Kalakhang Maynila, at sinundan ito ng tangkang paglusob sa Palasyo ng Malacañang. Nangyari ito apat na buwan matapos ang EDSA II, kung kailan napatalsik si Estrada na noon ay nililitis sa impeachment trial sa kasong katiwalian. Sinasabi na ang EDSA III ay siyang mas makamasa kumpara sa naunang demonstrasyon, na naganap din sa kaparehong lugar, sa may Dambana ng EDSA sa panulukan ng Abenida Ortigas at EDSA, noong Enero 2001. Ang layunin na lusubin ang Palasyo ay nauwi sa kabiguan. Ginigiit ng mga lumahok na ang protestang ito ay ang tunay na People Power o puwersa ng mamamayan, na siyang tinanggihan ng mga lumahok at sumuporta sa EDSA II. Inako ng Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang mga terminolohiyang ito na nagdulot ng matinding pagkakahati sa lipunan, at sinabi niya na nais niyang maging pangulo ng "EDSA II at EDSA III".

  1. "Presidential Proclamation No. 38". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2007-12-12. Nakuha noong 2014-02-23.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

© MMXXIII Rich X Search. We shall prevail. All rights reserved. Rich X Search